Inflation rate ng bansa, muli na namang tumaas sa 6.1%; Paglobo sa presyo ng bigas, sumipa rin sa 17.9% sa kabila ng ipinataw na price cap

Muli na namang bumilis ang antas ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa bansa.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority – bumilis sa 6.1% ang inflation rate ng bansa nitong Setyembre.

Mas mataas ito sa 5.3% inflation rate noong Agosto.

Ayon sa PSA, pangunahing dahilan dito ay ang pagtaas ng presyo ng mga food and non-alcoholic beverages na mayroong 9.75 inflation.

Samantala, kinumpirma rin ng tanggapan na tumaas din sa 17.9% ang inflation sa presyo ng bigas.

Ito ay kahit na may ipinatupad na price ceiling si Pangulong Bongbong Marcos sa well-milled at regular-milled rice.

Sabi ni PSA National Statistician Dennis Mapa – mayroong 8.87% na iniambag ang presyo ng bigas sa overall inflation sa buwan ng Setyembre.

Ani Mapa, ‘di niya direktang matukoy kung naging ‘epektibo’ ba ang price cap lalo na’t halu-halo raw ang complaince nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *