Inflation rate ng Pilipinas bumagal sa 4.2% nitong Nobyembre 2021

Bahagyang bumagal ang inflation rate ng Pilipinas sa 4.2% para sa buwan ng Nobyembre 2021.

Sa inilabas na datus ng Philippine Statistics Authority mas mababa ito kumpara sa naitala noong Oktubre na pumalo sa 4.6 percent.

Paliwanag ni National Statistician Dennis Mapa, ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Nobyembre ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 3.9 % inflation at 93.2 % share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Mas mabagal din ang pagtaas ng presyo ng gulay, gaya ng sibuyas, na may inflation na -1.8 %; isda, tulad ng tamban, na may 7.9 % inflation; at karne, partikular ang baboy, na may inflation na 10.7 %.

Ang pangalawang commodity group naman na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation ay ang Housing, Water, Electricity, Gas, at iba pang Fuels na may 4.6 % inflation at 24.7% share sa pangkalahatang inflation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *