Inflation rate sa bansa bahagyang bumagal sa 4.0% sa buwan ng Hulyo

Bahagyang bumaba ang inflation rate ng Pilipinas nitong Hulyo 2021.

Sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumagal umano ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa sa antas na 4.0%.

Mas mababa ito kumpara noong Hunyo kung saan naitala ang 4.4% inflation rate.

Ayon kay PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa ilan sa mga dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport na may 7.0% inflation at 77.5% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Naitala naman ang year-to-date average na 4.4% inflation rate, mas mataas sa 2% hangang 4% target range ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *