Inflation rate sa bansa, inaasahang mananatiling mataas

Inaasahan pa ring mananatiling mataas ang inflation sa bansa sa gitna ng lumalalang problema sa supply ng ilang food items at mataas na hulity costs.

Sa pagtataya ni Bangko Sentral ng Pilipinas Senior Assistant Governor for the Monetary Policy Sub-sector Iluminada Sicat, magiging ‘still elevated’ ang inflation rate sa Pilipinas.

Paliwanag ni Sicat, ang inaasahang ‘still elevated inflation’ para sa buwan ng Pebrero ay dahil sa tumaas na utility rate at kawalan ng supply ng ilang mga gulay.

Samantala, inihayag din nito na may nakikita rin silang improvement sa inflation sa month-on-month basis.

Paliwanag ng opisyal, ang inflation rate noong Enero ay mataas na, at kung titingnan ang bases, mayroon umanong improvement sa month-on-month dahil naging mataas na ang lebel nito noong Enero.

Ani Sicat, nakikita nila na magiging mas magiging mabagal ang pagtaas ng inflation rate kumpara noong January at Disymebre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *