Inflation rate sa Bicol noong Setyembre bumaba-PSA

LEGAZPI CITY – Bumaba na ang inflation rate sa Bicol Region para sa buwan ng Setyembre sa taong 2021.

Ito ang inihayag ni Coney Frances Baleda, Statistical Specialist II ng Philippine Statistic Authority (PSA) Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Baleda, bahagyang nagbaba na ang inflation rate sa nasabing rehiyon sa buwan ng Setyembre kumpara nito na mas mababa pa rin sa taong 2020 ng kaparehong peryodo na umabot lamang sa 4.5 %.

Kabilang sa mga nagbaba na commodity groups ay ang food at non alcoholic beverages, Clothing and footwear, transport, education, furnishing and housing.

Dagdag pa nito, tanging alcoholic beverages and tobacco ang nagkaroon ng pagtaas sa inflation rate sa commodity groups habang nanatili pa rin ang growth rate housing, water electricity gas and other fuels, health, communication, recreation and culture, at restaurant and miscellaneous.

Paliwanag ng tanggapan kung bakit bumaba na ang inflation rate sa rehiyon ay dahil sa nagkaroon na umano ng supply sa mga lugar at unti unti na rin umano naluwagan ang restrictions kung kayat hindi na rin nahihirapan pa makapasok sa bawat lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *