Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay ng information drive na may kinalaman sa suicide at teenage pregnancy kung saan nauna itong idinaos sa Bariw National High School at Pariaan National High School.
Ang programang ito ng LGU na may kaugnayan sa mental health ay may layuning pagtibayin ang katatagan ng mga kabataan sa pagsugpo ng mga gayong isyu, pagtagumpayan ang depression o stress maging ang iba pang uri ng mental health problems.
Bukod pa rito, tinalakay din sa mga mag-aaral ang posibleng magiging epekto ng maagang pagbubuntis.
Ang isinagawang programa ay naging possible rin sa tulong ng Sangguniang Kabataan Federation, MSWDO, MHO, POPCOM maging ng DSWD Bicol.
Samantala, mula naman noong 2022 hanggang sa kasalukuyan, mayroong apat na kaso ng suicide ang naitala sa bayan.