Infra program ng Marcos admin, nabawasan sa P8.2-T mula sa naunang P9-T

Nabawasan ang kabuoang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng Marcos administration, na kinabibilangan ng mga plinano sa ilalim ng nakaraang adminstrasyon, matapos na tanggalin ng economic team ng ilang redundancies.

Mababatid na noong Marso, inaprubahan ng National Economic and Development Authority Board (NEDA) Board, sa pangunguna ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kabuoang 194 IFPs na nagkakahalaga sa P9 trillion, na binubuo ng 123 “new” projects at 71 naman mula sa nakaraang administrasyon.

Sinabi naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na kaboang 194 IFPs, kung saan 68 projects ang kasalukuyang nagpapatuloy ang implementasyon, 25 na dito ang approved for implementation, siyam ang government approval, 52 ang under project preparation, at 40 ang under pre-project preparation.

Ang top three sources ng pondo para sa infrastructure program ay official development assistance, na may pinakamalaking share sa P4.51 trillion; sinundan ng public-private partnership sa P2.5 trillion; at ang national budget o ang General Appropriations Act sa P850.58 billion. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *