Infrastructure Projects sa Bayan ng Capalonga, tuloy-tuloy ang pagsasagawa

CAMARINES NORTE- Tuloy-tuloy ang isinasagawang infrastructure project sa bayan ng Capalonga Camarines Norte.

Kabilang d’yan ay ang pagsesemento sa 306 meters na farm to Market road sa Brgy. Tanauan patungo sa Brgy. San Martin ng bayan ng Jose Panganiban.

Noong nakaraang Abril 11, 2023 ay sinimulan na ring ipa- konkreto ang ikalawang bahagi ng proyektong pagsasaayos ng kalsada sa Purok 3, sa barangay Camagsaan. Ang Phase 2 ng kalsadang nabanggit ay may habang 200 metro. 

Pangunahing pamumuhay ng mga residente dito ay ang pagsasaka at pangingisda. Suliranin nila ang maputik na daan na nagiging sagabal sa mobilisasyon ng kanilang mga produkto pang agrikultura. Noong nakaraang taon ay natapos na ang Phase 1 na dahilan upang maging matiwasay na pagluwas ng mga produkto.

Samantala, ngayon ay nagsimula na rin ng pagkokongkreto sa maputik na kalsada sa Brgy. Catioan. Ang nasabing maputik na daan ay matatagpuan sa tapat ng elementarya sa lugar kaya minabuting pondohan ng lokal na pamahalaan ng Capalonga para sa mga mag-aaral ng nasabing lugar gayundin ang mga estudyante sa Capalonga National High School na kung saan ay araw-araw na dumadaan sa lugar.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 50% na ng proyekto ang naisasagawa at inaasahang matapos sa susunod na dalawang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *