Inigo Pascual, mapapabilang sa cast ng Monarch

Kinumpirma ng aktor at singer na si Inigo Pascual ang gagampanan nitong lead role sa paparating na American musical drama na “Monarch” ng Fox.

Ayon sa ulat ng deadline.com na nailathala nitong Huwebes, ay gagampanan ni Pascual ang papel ni Ace Grayson, na ampon ni Nicolette “Nicky” Roman, na gagampanan naman ni Anna Friel.

Makikita sa post ng aktor ang screenshot ng nasabing balita, kung saan ay mababasa sa caption nito, “THE NEWS IS OUT!!!”.

“CRAZIEST BIRTHDAY.”

“Sorry for keeping it for so long!!”

Kabilang rin sa cast ng Monarch sina Susan Sarandon, Albie Roman, Beth Ditto, at iba pa.

Ipinunto sa ulat na susundan ng “Monarch” ang kwento ng pamilya Roman, na itinuturing bilang first family ng America pagdating sa country music.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *