Inireklamong detour sa Bataraza, inaksyonan na matapos “Ipa- Brigada”

Lubos ngayon ang pasasalamat ng pamilyang Casiano sa Brigada News FM matapos na masolusyunan ang kanilang matagal nang problema sa isang detour sa Brgy. Malatgao, Bataraza Palawan.

Ngayong hapon ay masaya nilang ibinalita sa Brigada na tuluyan nang sinira ng kontraktor ng DPWH ang detour.

Ito ang sinisisi ng ilang pamilya na sanhi ng pagbaha sa kanilang kabahayan mula noong nakaraang taon dahil umaapaw sa ilog ang tubig sa tuwing umuulan.

Matatandaan na kahapon ay ipinangako ng DPWH 2nd District sa Brigada na agad sosolusyunan ang problemang ipinaabot sa Brigada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *