Inisyal na danyos sa agrikultura dahil sa bagyong Karding, pumalo na sa P141-Million – DA

Pumalo na sa P141.38-M ang inisyal na danyos sa agrikultura matapos manalasa ang Typhoon Karding sa malakingbahagi ng Luzon.

Ang agricultural damage at loss areas ay kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Raffy Alejandro, nasa 740 na mga magsasaka ang inisyal na bilang ng mga apektado.

Dagdag ni Alejandro, nasa 16,229 ektaryang lupain ang napaulat na apektado, na may total volume loss na 5.8 metric tons.

Kabilang naman sa mga apektadong commodities ay palay, mais at high-value crops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *