Inisyal na pinsala na iniwan ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Basud umaabot na sa mahigit P19 milyon

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa P19, 351, 582.50 ang naitalang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Basud, Camarines Norte matapos manalasa ang bagyong Paeng noong weekend.

Batay sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), aabot sa P7, 296, 187. 50 ang naitalang pinsala sa mga palayan.

Nasa P12, 055, 395.00 naman ang iniwang pinsala sa mga pananim na root crops.

Pinakamalaki ang pinsala sa sagingan makaraang magsipagtumbahan ang mga puno ng saging na umaabot sa P11, 363, 250.00

Sa mais ay aabot sa P422, 750 ang naitalang pinsala habang P160, 080.00 sa mga pananim na pinya.

Sa kamoteng kahoy na pawang nasa early productive stage pa lang ay nasa P61, 920 ang napinsala.

Aabot naman sa P17, 395 ang naitalang pinsala sa pananim na sitaw at may tig- P15, 000 sa camote at papaya.

Hindi pa kasama sa naturang halaga ng pinsala ang livestock na nagpapatuloy ngayon ang assessment gayundin sa fishery sector sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *