Inisyal na pinsala sa mga pananim ng bagyong maring sa Cagayan, umabot na sa higit P14.6M

Umabot na sa mahigit 14.6 million pesos ang inisyal na halaga ng iniwang pinsala sa mga pananim ng nagdaang Bagyong Maring sa lalawigan ng Cagayan.

Sa datos ng Cagayan Provincial Government, naitala naman ang nasa 353, 000 pesos ang inisyal na halaga ng pinsala sa livestock o alagang hayop ng mga residente.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay OCD Region 2 Information Officer Michael Conag, umabot sa 13, 819 ang kabuoang bilang ng mga naapektuhang indibidwal na mula sa 19 municipalities ng Cagayan.

Aniya, ilan sa mga evacuee ay nakauwi na rin sa kanilang mga tahanan maliban lang ang ilan pang mga pamilya na mula sa Ballesteros, Sta. Teresita at Peñablanca.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng clearing operations ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at mga residente sa mga putik at debris sa mga lansangan.

Nagpapatuloy din aniya ang ginagawang assessment ng mga staff ng OCD Region 2 sa mga lugar na nilubog ng baha at pinsala sa iba’t-ibang sektor.

Ayon pa kay Information Officer Conag, mayroon na ring mga nakahandang ayuda para ipamahagi sa mga lokal na pamahalaan sakaling kulangin ang dati nang naka-preposition na relief packs sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *