Ipamamahagi ang 15,000 trial-order doses ng Russia-made Sputnik V vaccine laban sa COVID-19 sa limang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang limang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang napili dahil sila ang may “appropriate” cold storage facility para sa Sputnik V vaccine.
Ito ay kinabibilangan ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Manila, at Parañaque, na makakakuha ng 3,000 doses bawat isa.
Dagdag ni Cabotaje, ang Sputnik V ay ituturok sa mga Pilipinong may edad 18 taong gulang pataas.
Sinabi naman nito na walang naitatalang side effects sa ibang bansa na una nang gumamit ng naturang bakuna.
Samantala, ang ikalawang dose ng Sputnik V ay ibibigay matapos ang 21 araw mula nang ibigay ang first shot. // MHEL PACIA
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…