Iniwang pinsala ng bagyong kiko sa probinsya ng Batanes, umabot na sa higit P500M

Umabot na sa mahigit 500 million pesos ang inisyal na halaga ng iniwang pinsala sa lalawigan ng Batanes matapos tumama ang super typhoon Kiko.

Sa huling datos ng Pamalahaang Panlalawigan ng Batanes, nasa 363 na ang mga naitalang kabahayan na tuluyang napinsala ng bagyong Kiko habang 1,370 naman ang partially damaged.

Sa kabuoan ay mayroong P537,407,749 na halaga ng pinsala sa mga pananim, kabahayan at imprastraktura sa lalawigan.

Una nang namahgi ang DSWD Regional Field Office 2 ng cash assistance sa 20 na pamilya mula sa Brgy. San Joaquin na pinaka-tinamaan ng bagyo habang nagbigay naman ang Provincial Government ng tig-10 yero at mga kahoy sa mga ito para sa pagsisimula sa pagtayo ng kanilang bahay.

Dahil sa matinding epekto ng bagyong Kiko ay isinailalim sa state of calamity ang buong probinsya ng Batanes alinsunod sa resolution no. 129 ng Sangguniang Panlalawigan.

Photo/OPB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *