Inoder na fried chicken, fried towel nang dumating?

Labis ang pagkadismaya ng isang customer ng isang fastfood chain sa Taguig City matapos mapag-alamang fried towel pala ang laman ng kanyang inorder na fried chicken sa pamamagitan ng isang food delivery service.

Sa salaysay ng customer na si Alique Perez, inoder niya ang fried chicken para sa kanyang anak pero nang sinubukan niya itong kagatin ay napakatigas nito na halos hindi ma-slice.

Dahil dito ay hinimay niya na ang manok gamit ang kanyang mga kamay at nagulantang siya sa kanyang nakita, ang inoder na crispy fried chicken, deep fried towel pala!

Pagtatanong nito, paano napunta sa batter ang tuwalya at naprito pa. Hindi niya umano lubos maisip na mayroon pa itong mga kasamang manok na iprinito rin sa iisang mantika.

Anya, may ilang mga reklamo na siyang nabasa hinggil sa mga order sa nasabing branch ng fast food pero inisip niya umanong gawa-gawa lamang ang mga ito ngunit ngayong siya mismo ang nakaranas ay naniniwala na umano siya.

“I really thought that the post complaining about weird stuff in their orders were just all made up, now I know that it really happens! So disgusting and embarrassing… to think that you’re even branched in BGC. There’s a first for everything. And this has been the worst first!, ani Perez sa kanyang social media post.

Viral na ngayon sa social media ang post ni Perez na mayroon nang 21,000 shares at 12,000 reactions at umani naman ng samo’t-saring komento at reaksyon mula sa mga netizen.

Sa komento ng isang dating nagtrabaho sa naturang fastfood chain, imposibleng magkamaling mailagay ang towel sa pinipritong manok dahil bago umano ito ilagay sa kumukulong mantika ay mano-mano itong minamasa ng kamay at pinagugulong sa breading powder.

Ayon naman sa isa pang nagkomento, maaaring aksidente lamang ito habang may mga nagsabi namang baka may nanabotahe.

Wala pang pahayag ang fast food chain hinggil sa insidente.# || Shiela Madrigalejos

Photo Courtesy: Alique Perez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *