Insidente ng panghahablot ng mga “bid documents” sa DPWH-Catanduanes, ‘case solved’ na ayon sa PNP; Grave coercion, isasampa laban sa suspek

BICOL—Inihayag ni Virac MPS Chief PMaj. Antonio Perez na maituturing nang “case solved” ang insedente ng panghahablot ng bid documents sa DPWH-Catanduanes District Office nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Perez, bistado na ang suspek na humablot sa mga dokumento ng contractor’s representative, sa loob mismo ng compound ng ahensya.

Nakilala ito matapos na manlaban ang biktima, at matanggal nito ang facemask ng salarin na tinukoy bilang isa umanong “job order employee” ng isang opisina sa loob ng kapitolyo.

Samantala, hindi pa naman nadadakip ang suspek maging ang riding in tandem na sakay ng motorsiklong pinasahan ng mga dokumentong hinablot, na kinahapunan ay natagpuan ng mga otoridad na naka kalat sa may footbridge sa harap ng Catanduanes State University.

Kaugnay nito, inihayag naman ng management ng construction service na desidido silang sampahan ng kasong Grave Coercion ang suspek sa panghahablot ng kanilang mga dokumento.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *