Inspeksyon sa mga business establishment sa lungsod, magsisimula ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ng Lunes, Pebrero 20, 2023 ng Permits and Licensing Division ng City Government ang inspeksyon sa lahat ng mga Business Establishment sa lungsod.

Sa abiso na inilabas ng Lokal na Pamahalaan, mag-iikot ang nasabing opisina upang tingnan at suriin ang lahat ng mga establisimyento sa syudad kung compliant ang mga ito sa lahat ng mga kinakailangang mga dukumento.

Kaugnay nito, pinayuhan ang lahat ng mga business owners na tiyakin na updated ang kanilang mga Mayor’s Permit, Business Permit at mga iba pang mga dukumento upang makaiwas sa anumang mga penalidad at surcharges.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *