Insurance sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Presentacion Camarines Sur , pinoproseso na

NAGA CITY – Kasalukuyang pinuproseso ng Lokal na Pamahalaan ng Presentacion, Camarines Sur ang insurance ng mga apektadong magsasaka at mangingisda dahil sa Bagyong Paeng.

Kung saan sa panayam kay Regina Bea, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, sinabi nitong madali na lamang para sa kanila lalo na identify ang mga apektado, at para na rin aniya maibalik ang nawala sa mga ito.

Umabot kasi sa P1-milyon ang estimated value ang iniwang pinsala ng Bagyong Paeng sa agrikultura at pangisdaan sa bayan, kung saan napinsala ang mga fish pond sa tatlong barangay at naapektuhan ang 17 mga magsasaka nito, maging mga palayan, root crops at mga gulayan ay apektado rin.

Ayon pa kay Bea, bagamat umabot sa isang milyong piso ang napinsala sa agrikultura at fisheries sa bayan nagpapasalamat naman ito dahil hindi gaano kalala ang mga nawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *