Insurhensiya sa Bicol region at Samar, isa sa mga tinututukan ng PNP ayon kay PNP Chief Azurin

LEGAZPI CITY – Tinututukan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang buong rehiyon ng Bicol at Samar pagdating sa insurhensya dahil sa presensya ng makakaliwang grupong New People’s Army (NPA).

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin, Jr. sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Albay sa isinagawang turnover ceremony para sa bagong uupong regional director ng PNP Bicol.

Nais ni Azurin na masolusyunan at matuldukan na ang problema sa insurhensya sa nabanggit na mga rehiyon upang mapanatiling mapayapa ang bansa, may pagkakaisa at suporta sa mga programa ng gobyerno.

Dahil dito, ipinagpapatuloy pa rin ng kasalukuyang administrasyon ang mga programa sa LTF ELCAC at barangay development program sa patuloy na pagpapababa ng insurgency situation sa bansa.

Sinabi pa nito, nakatuon na umano ang Philippine Army at PNP sa pagsugpo sa mga Communist Terrorist Group, kung kaya’t panawagan nito sa mga makakaliwang grupo na bumaba na at boluntaryong sumuko  sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *