Inter-agency magpupulong na para sa isang linggong Kaogma Festival 2023 sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Libo-libo ang inaasahang dadalo sa mga aktibidad kaugnay ng Kaogma Festival 2023.

Kaya naman ngayong araw Mayo 19, magpupulong ang inter-agency upang pag-usapan ang seguridad, crowd control, daloy ng trapiko , paglatag ng mga responders at marami pang iba.

Ayon kay Pili MDRRM Officer Jess Sarte, pinaka concern nila ang traffic dahil ilang libong mga sasakyan ang dumaraan sa capital town araw-araw. Titingnan rin ang mga alternatibong daan, kasama na ang mga bagong bukas sa bahagi ng Milaor at Bula.

Sa Linggo, Mayo 21, gaganapin ang opening night kung saan guest dito ang bandang Ben and Ben. Sa mga susunod na araw hanggang sa Mayo 27 kasama sa mga guest ang mga mag-aawit at iba pang performers tulad nina  Arthur Nery at Moira Dela Torre ,  Filipino Rock idol, Bamboo at Rey Valera. Gayundin si  Chie Filomeno at sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, dugong Bicolanang si  Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at ang mula rin sa Camarines Sur na si Miss Universe 2010 4th Runner Up Venus Raj.

Samantala inaabangan din ang coronation night ng  Miss Kaogma 2023 sa May 23 na gaganapin naman sa Kaogma Grounds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *