Upang maiwasan ang mapaminsala na epekto na maaaring idulot ng El Niño at La Niña sa kabuhayan, agrikultura, kalusugan at imprakstraktura; isang Inter Agency Task Force na tututok sa nasabing mga phenomenon ang binuo ng Pamahalaang Lungsod ng Sorsogon.
Nakapaloob sa Executive Order No. 30 series of 2023 na inilabas ng opisina ng alkalde na may titulong “AN ORDER CREATING AN INTER AGENCY TASK FORCE TO MITIGATE THE EFFECTS OF THE EL NIÑO/LA NIÑA PHENOMENON IN THE CITY OF SORSOGON DESIGNATING ITS MEMBERS AND DEFINING THEIR FUNCTIONS” ang iba’t-ibang opisina sa loob at labas ng City Government bilang miyembro ng task force at siyang mangangasiwa sa pagpaplano, pagmungkahi at pag-implementa ng mga programa at mga hakbangin upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang hinaharap at posibleng harapin ng lungsod dahil sa mga pagbabago sa panahon.
Ang nasabing kautusan ay epektibo mula noong Mayo 15 ng kasalukuyang taon.
