Inter-Parliamentary Union, muling nanawagan sa pagpapalaya kay De Lima

Muling nanawagan ang Inter-Parliamentary Union sa pagpapalaya kay dating Senador Leila de Lima.

Ang desisyon ng IPU ay ginawa sa ika-170 na sesyon na ginanap sa Geneva, Switzerland.

Kumbinsido umano ang Committee on the Human Rights of Parliamentarians, na ang mga hakbang o ang pagpapakulong na ginawa laban kay de Lima ay naging tugon sa kanyang vocal opposition sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakaling magpatuloy ang mga kaso laban sa dating senador, hiniling ng IPU ang pagdalo ng isa sa kanilang trial observer para subaybayan ang pagdinig sa kaso ng dating opisyal sa branch 205 at 256 sa Regional Trial Court sa Muntinlupa City.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *