Interagency sa Calabanga Camarines Sur handa na sa pagdagsa ng milyong mga deboto ng mapaghimalang Amang Hinulid; pahalik ibabawal muna

NAGA CITY- Handa na ang lokal na pamahalaan ng Calabanga, Camarines Sur at katuwang na interagency para sa pagdagsa ng inaasahang milyong mga deboto ng mapaghimalang imahe ni Hesus o ang “Amang Hinulid” sa taunang Penitential Walk o mas kilala sa “Alay lakad” tuwing Huwebes Santo.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Eugene Severo. Nakahanda na rin ang mga karatig Barangay ng Santa Salud. Nagbigay ang financial assistance ang LGU para sa mga magsisilbing tanod.

Ayon kay Severo pagpasok pa lamang ng Semana Santa may mga dumarayo na ang iba sa kanila mga mula pa sa iba’t-ibang parte ng Bicol Region, ang iba sa mga ito sakay pa ng bus.

Napag-alaman ng BNFM Naga sa mga karatig bayan ng Calabanga at mga bayan mula sa Naga City na handa na rin ang PNP para sa seguridad ng mga dumaraan o maglalakad.

Samantala, ipagbabawal muna ang pahalik sa imahe bilang pag-iingat pa rin dahil wala pang opisyal na deklarasyon ng pagtatapos ng pandemya. Paglilinaw ni Severo , bago ang pagdagsa ng deboto pinayagan na ito pero galing kasi aniya sa iba’t-ibang lugar ang pupunta ngayon kaya mas maiging mag-ingat.

Kaugnay ng dagsa ng deboto, magdaragdag din ng biyahe ng jeep.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *