Nakikita ni Pangulong Bongbong Marcos na magsisilbing platform ng Pilipinas ang ASEAN-Gulf Cooperation Council o GCC summit para isulong ang ilang interes ng bansa.
Kabilang dito ang pagtataguyod na bigyang diin ang pangangailangan ng kooperasyon sa enerhiya, food security, logistics, supply chain, digital transformation, malayang pakikipag kalakalan, gayundin ang pagpapabuti at pangangalaga sa karapatan ng mga mangggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Isusulong din ng Pangulo ang rules-based international order para mapanatili ang peace and security ng buong rehiyon.
Isa pa sa titiyakin ng Pangulo, na ang pagkakaroon ng constructive engagement sa ASEAN ay patuloy na maglilingkod sa national interest at kabutihan ng mga Pilipino.