Internal cleansing sa PNP, ipinayo ng isang Senador kay incoming PNP Chief Eleazar

Ipinapayo ni Senador Panfilo Lacson kay Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na unahin ang pagsasagawa ng internal cleansing sa pag-upo nito bilang bagong pinuno ng Philippine National Police.

Ayon sa senador na dati ring pinuno ng Pambansang Pulisya, ang internal cleansing ang palaging dapat na inuuna sa anumang programa.

Ipinayo rin ng mambabatas sa incoming PNP chief na magpatupad ng displina na walang sasantuhin dahil aniya sa oras na magpakita ito ng double standard ay posibleng mabalewala ang lahat ng gagawin nito sa PNP.

Hinikayat din si Gen. Elearzar na gawin ang leadership example lalo na’t mahaharap aniya ito sa dalawang tukso, una ay ang kapangyarihan, pangalawa ay pera.

Samantala, ikinatuwa naman ng mambabatas na si Gen. Eleazar ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagong mamamuno sa PNP.

Mababatid na ilan mga Senador ang nagsabi na “excellent choice” si Gen. Eleazar bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *