International cruises sa England bubuksan na matapos ang 16-month break

Inaasahang bubuksan na muli ang international cruises sa England mula sa Lunes, August 2 matapos ang 16-month break.

Ayon sa report, ang mga biyaherong dadating sa UK ports na fully vaccinated na sa America at EU ay hindi na dadaan sa quarantine. Inihayag ng UK government na bahagi ito ng plano na i-relax ang isolation rules para sa US at UK arrivals.

Kaugnay nito, inihayag ng isang industry body na makikinabang sa nasabing hakbang ang mga travel agencies, hotels,. tour guides, port operators at iba pang kompanya.

Matatandaan na noong Mayo ay pinayagan na ang domestic cruises sa UK pero nanatiling sarado ang international cruises.

Nilinaw naman ng UK na kailangan pa rin ang pre-departure test at PCR test sa ikalawang araw ng pagdating sa kanilang destinasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *