International Monetary Fund, kumpiyansang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon

Mas tumaas pa ang kumpiyansa ng International Monetary Fund (IMF) na posibleng lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon kahit pa mayroong pandemya.

Batay sa pagtaya ng IMF, posibleng makamit ang 6.9 percent mula sa 6.6 percent na paglago ng ekonomiya ng bansa hanggang sa pagtatapos ng 2021.

Naniniwala si IMF Resident Representative to the Philippines Yongzheng Yang na ang mga natitirang pondo ng 2020 national budget at ang emergency response ng Bayanihan laws ay makakatulong umano sa muling pagbabalik ng sigla ng ekonomiya ng bansa.

Gayunpaman, sinabi ng IMF na kahit pa mataas na ang tyansa ng pagbuti ng ekonomiya ng bansa ay hindi pa rin nila inaalis ang posibilidad na mabago ito dulot pa rin ng patuloy na epekto COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito’y mababatid na ibinaba naman ng Asian Development Bank (ADB) ang kanilang economic projection sa Pilipinas ngayong taon kung saan mula sa 6.5 percent ay ibinaba nila ito sa 4.5 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *