Naputol ang kominakasyon sa lungsod ng Derna ng Libya, matapos ang ang daan-daang nagprotesta laban sa mga lokal na awtoridad na sinisisi nila sa libu-libong pagkamatay dahil sa malawakang pagbaha.
Nagtipon ang mga nagpoprotesta noong Lunes sa grand mosque ng lungsod at inilabas ang kanilang galit sa mga awtoridad na sinisi sa kabiguang maiayos ang mga dam at hindi pagbibigay ng maagang babala sa sakuna.
Noong Martes, naputol ang telepono at online na mga link sa Derna at isinisi ito ng national telecom company na LPTIC sa pagkaputol ng optical fiber link sa Derna.
Nakaapekto rin daw ito sa iba pang mga lugar sa silangang Libya na maaaring resulta ng sinasadyang pamiminsala o sabotage kaya’t nangako ang kanilang koponan na pagsisikapan nilang ayusin ang problema sa lalong madaling panahon.