Inuman ng 2 construction worker sa Lucena City, nauwi sa suntukan at tagaan

Isang lalaki ang sugatan matapos itong tagain ng kanyang kainuman sa Purok Damayan 2, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Lucena City PNP, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktimang si Michael Marcellana, 42 anyos at ng suspek na si Arnold Basarte, 21 anyos.

Ang nasabing pagtatalo ay nauwi sa suntukan hanggang sa kumuha na ng bolo si Basarte at pinagtataga si Marcellana ng maraming beses.

Agad namang isinugod ang biktima sa Quezon Medical Center.

Samantala, kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Lucena City Police Station na mahaharap sa kasong Frustrated Homicide. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *