Investment pitch ni PBBM para sa Pilipinas, naka kuha ng ‘very positive response’ mula sa mga CEOs

Nakakuha ng ‘very positive response’ mula sa mga top chief executives and investment experts ang investments pitch ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Pilipinas , ayon sa Malacañang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil na naganap ito sa isang dinner para kay Marcos ni Grab Chairman at CEO na si Anthony Tan sa sideline ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Pito sa mga nangungunang business tycoons ng Pilipinas ang lumipad sa Davos para suportahan ang inaugural participation ni Marcos sa taunang WEF.

Sa isang panayam, sinabi ni Alliance Global CEO Kevin Andrew Tan na napaka-epektibo umano ni Pangulong Marcos sa pagpapakita ng lakas ng Pilipinas at bukas ang gobyerno sa pakikipagtulungan sa ibang gobyerno at pribadong sektor.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *