Ipatutupad na modality sa blended learning, desisyon na ng mga school head

Desisyon na ng mga school head kung anong scheme o modality ang kanilang ipatutupad sa kanilang mga paaralan kaugnay ng implementasyon ng blended learning.

Paliwanag ni Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad, mahalaga umano na ang mga ito na ang magdedesiyon kaugnay ng nasabing bagay dahil ang mga ito din naman umano ang nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang mga paaralan sa kondisyon na magsusumite ang mga ito ng report sa kanilang mga school Superintendent.

Aniya, mayroon din kasi umanong mga paaralan na hindi naman gaanong apektado ng nararanasang init ng panahon partikular na ang mga liblib na lugar na sagana pa sa mga punong kahoy.

Samantala, sinabi ng opisyal na malinaw umano sa kanyang inilabas na memoramdum na i-aadopt ng mga guro ang sistemang work from home kapag nasa modular subalit dapat umano na gawin ng mga ito ang kanilang mga report at hindi ang mga gawaing bahay ang kanilang aatupagin.

Ito umano ay upang manatili silang handa sa kanilang mga report sa pagbabalik sa paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *