IPHO So.Cot muling nagbabala laban sa paggamit ng Ivermectin, Lian Hua

KORONADAL CITY- MULING binalaan at pinag-iingat ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) South Cotabato ang mga mamamayan laban sa pag-inom ng mga gamot o supplement na diumano’y nakakapagpagaling sa COVID 19 tulad ng Ivermectin at Chinese Herbal Medicine na Lian Hua.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Hannah Ebeo na walang approval ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin bilang gamot sa COVID 19.

Dagdag pa nito na may mga pag-aaral na at mga lumabas na report na nasira ang kidney ng mga gumamit nito at ngayon ay isinasailalim na sa dialysis.

Samantala, nilinaw din ni Ebeo na hindi gamot o vitamins laban sa COVID 19 ang Lian Hua.

Ayon kay Ebeo na ang pagpapabakuna pa rin at pagsunod sa minimum health standard ang epektibong proteksyon upang makaiwas sa naturang virus at sa malalang sintomas nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *