IPHO walang namonitor na illegal vaccination laban sa Covid-19

KORONADAL CITY – WALANG na-momonitor ang tanggapan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) South Cotabato na may nagsasagawa ng illegal vaccination laban sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa lalawigan.

Ayon kay IPHO immunization program coordinator Genesis Navales, araw-araw na minomonitor ng kanilang tanggapan at ng Department of Health (DOH) 12 ang mga bakuna kung saan isinasagawa lamang ito ng mga otorisado katulad ng city at Municipal Health Offices.

Dagdag pa ng nasabing opisyal na ang makakatanggap lamang ng bakuna ay ang mga nasa priority list ng bawat munisipyo at lungsod sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published.