Ipilan Nickel Corporation, hindi pa kompleto ang requirements kaya walang renewal na nangyayari

Iginiit ng Lokal na Pamahalaan ng Brookes Point na hindi pa kompleto ang isinumeteng dokumento ng Ipilan Nickel Corporation dahilan para hindi mai-renew ang business permit, ayon kay Mayor Cesario Benedito Jr.

Ayon sa alkalde, nakarating na ang ulat sa kanya na mayroon umanong reklamo na inihain sa kanya sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) subalit hindi pa umano niya natatanggap ang kopya ng reklamo.

Maliban sa kanya ay inireklamo rin ang hepe ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na si Remie Mostiero dahil sa isyu ng umano’y delay na pagpapalabas ng permit ng minahan.

Paliwanag sa Brigada ng punong bayan, sa oras na makompleto na ng INC ang requirements ay wala na aniyang dahilan para hindi i-renew ang kanilang Mayor Permit.

“ Yung hinihingi na Barangay endorsement , Sanggunian Bayan endorsement. Alam din po nila ‘yun binigyan din sila [ng kopya] ng MENRO. Naka-site naman sa letter ng MENRO sa kanila. Wala naman po time table….

“Kasi kung kompleto po sila at na-deny namin ay ‘yun na ‘yung time na file-an kami sa ARTA pero sa ngayon nakikita ko wala namang basehan na mag-file sila sa ARTA kasi kulang man ‘yung requirements nila”. dagdag pa ng alkalde

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *