Ipilan Nickel Corporation, tiniyak umano ang maayos na kapakanan ng mga raliyista

Isinaalang-alang umano ng Ipilan Nickel Corporation (INC) ang kaligtasan ng mga raliyista lalo na ng mga bata na isinama sa human barricade na ginawa ng mga raliyesta upang pigilan ang pagtawid ng truck ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa kanilang haul road.

Ito ay sa kabila ng paninindigan ng mga raliyista na harangan ang haul road ng Ipilan Nickel Corporation sa Barangay Maasin, Brookes Point kahit na pinagbawalan na sila ng korte simula nitong ika-13 ng Marso.

Ayon sa Ipilan Nickel Corporation, inakala nilang susunod ang mga raliyista sa utos ng korte ay sinubukan ng kompanya na itawid ang truck ngunit nagmatigas pa rin ang mga ito at gumawa ng human barricade, kasama ang mga bata, upang harangan ang nasabing truck.

Gayunpaman, tiniyak ng INC na maging ligtas ang lahat at mapanatili ang kaayusan sa nasabing insidente kung kayat minabuti ng kompanya na huwag nang itawid ang nasabing truck.

Samantala, ang hakbang umano ng mga tumututol sa pagmimina ay tahasang pagsuway sa TRO at ang pagharang nila sa daanan ng INC ay malinaw na paglabag sa batas at ito ay may kaakibat na kaparusahan, ayon pa sa kompanya.

“Bilang responsableng kompanya na responsableng tumutupad  sa aming proyekto sa national government, lagi naming tinitiyak na ang aming mga hakbang, paraan at mga solusyon ay laging naaayon sa batas upang matiyak ang maayos at payapa na resulta nito,”pahayag ni Alex Arabis, Resident Mine Manager ng INC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *