Ipinagmamalaking mangrove forest ng bayan ng Prieto Diaz patuloy na binabantayan at pinapalago ng LGU

SORSOGON CITY – Ibinida ng lokal na Pamahalaan ng Prieto Diaz, Sorsogon ang kanilang malawak na mangrove forest bilang isang Eco Tourist Destination na tanging sa kanilang bayan lamang matatagpuan.

Sa panayam ng Brigada News kay Municipal Tourism Officer Oriculo Despuig sinabi nito na ang nasabing mangrove forest ay may lawak na aabot sa 1,065 ektarya at mas lalo pa umanong lumalawak at yumayabong dahil sa patuloy na pangangalaga dito ng LGU.

Hindi lamang kasi ito para sa turismo kundi sa higit pang pagpagpapalago ng mga yamang dagat sa kanilang bayan dahil nagsisilbi itong kanlungan at tahanan ng mga isda.

Sa ngayon, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng LGU sa mangrove forest sa mga bumibisitang turista upang matiyak ang kalinisan ng lugar at maiwasan rin ang pagkasira ng mga ito.

PHOTO: Dong Mendoza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *