Ipinatutupad na ECQ at “Hard Lockdown” sa limang baranggay sa Puerto Princesa, wala nang extension ayon sa Local Inter Agency Task Force.

Hanggang sa April 30, 2021 na lamang ang ECQ implementation at “Hard Lockdown” sa limang baranggay ng Sta. Monica, San Pedro, San Manuel, San Jose at San Miguel.

Sa kabila nito, hiniling ng Local Inter Agency Task Force sa National Government na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang buong lungsod ng Puerto Princesa mula sa kasalukoyang MGCQ Status.

Ayon kay City IATF Atty. Norman Yap, kung tuloyang aprobahan ng National Government ay magkakaroon ito ng tatlong implikasyon; Una ay may mga establisyementong ititigil o maaapektuhan ang operasyon,Pangalawa, magkakaroon ng COVID-Sheriff Program katulad ng Covid Marshal at

pangatlo, ay magpapatupad ng “work place regulation”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *