Local News

Ipinatutupad na ‘window hour’ paborable para sa lahat; Sorsogon City, hindi pa handa para sa pagbabawal sa mga tricyle sa national highway

Binigyang diin ng pamunuan ng Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan Task Force (SK3) na ang ipinatutupad na window hour o ‘share the road scheme’ ng lungsod ng Sorsogon ay paborable para sa lahat.

Pahayag ito ni Anchinges sa harap ng ilang mga hindi pumapabor sa nasabing polisiya.

Paliwanag nito, kung hindi kasi umano nila papayagang pumasok ang mga delivery trucks ay hindi lamang ang mga nagtitinda ang apektado kundi maging ang mga consumers dahil tiyak na magtataas ang presyo ng mga bilihin.

Gayundin umano sa mga Public Utility Jeepney o PUJ’s; kapag hindi nagpatupad ng window hour sa mga ito ay mga tricycle driver naman ang apektado dahil mawawalan ang mga ito ng pasahero.

Sa huli, sinabi ni Anchinges na ang mga pagpuna at batikos ay kanila na umanong inaasahan sa dahilang sa lahat naman umano ng implementasyon ay hindi nawawala ang mga negatibo at kumukontra.

Samantala aminado naman ang nasabing tanggapan na hindi pa handa ang lungsod ng Sorsogon para sa pagbabawal sa mga tricycle sa national highway.

Ayon pa kay Anchinges, pangunahing dahilan umano nito ay napakarami ng bilang ng mga tricycle sa syudad kung saan kailangan na mahanapan na muna ng ruta ang mga ito.

Aniya, posible umano ito kung mayroon nang mga developmental road tulad ng kung makapagbukas ng kalsada mula sa diversion road Macabog pababa sa Barangay Piot, sa boundary ng Barangay Tugos at Pangpang patawid naman sa may AMBERG sa Barangay Roro, buhat sa Gate 1 ng Barangay Bibincahan hanggang sa tapat ng SM Mall.

Gayunpaman tiniyak ni Anchinges na ang nasabing plano ay kanilang sisikaping unti-unting maisakatuparan. Una rito, binanggit ni Anchinges na kung sana ay napag-aralan ng mabuti ang pagrerelease ng mga prangkisa ng tricycle ay hindi sana umano pinoproblema sa ngayon ang sobrasobrang bilang ng mga ito.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

18 hours ago