IRR ng Maharlika Investment Fund Act – posibleng mailabas na ngayong Agosto

Kinumpirma ni Finance Sec. Benjamin Diokno na posibleng sa kalagitnaan ng Agosto ngayong taon ay matatapos na ang implementing rules and regulations, ‘o ‘yung IRR para sa Maharlika Investment Fund Act.

Sa post-SONA Philippine Economic Briefing, sinabi ni Diokno na sa kalagitnaan o sa huling araw ng susunod na buwan ay matatapos na ang IRR ng sarili nating sovereign fund.

Maaari rin daw itong maging operational na sa susunod na taon.

Idiniin din ng Kalihim ang kahalagahan ng MIF kabilang na ang pagpo-pondo sa existing na 194 projects, at pati na rin sa iba pang mga proyekto hanggang sa susunod na dalawang mga dekada.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *