IRR ng Maharlika Investment Fund – inilabas na

Inilabas na ng pamahalaan ang implementing rules and regulations (IRR) para sa magiging execution ng Maharlika Investment Fund (MIF) – ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nai-publish na ito sa Official Gazette, at magiging epektibo na sa Sept 12.

Kaugnay nito, simula na aniya ng paghahanap para sa presidente at chief executive officer (CEO) ng MIF; dalawang regular directors nito, at tatlong independent directors.

Ang pagbalangkas ng IRR ay kasunod ng mga konsultasyon sa mga founding government financial institutions (GFIs) na Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).

Batay sa batas at sa IRR, P50B ang magmumula sa Landbank; P50B din mula sa pamahalaan; at P25B naman ang mula sa DBP para sa initial funding na P125B.

Ang naturang sovereign fund ay may otorisadong capital stock na P500B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *