Isa katao patay, tatlo sugatan sa pamamaril sa isang mall sa Texas

Isa katao ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan sa pamamaril sa isang shopping mall sa El Paso, Texas.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang suspek habang pinaghahanap ang isa pang posibleng suspek sa shooting incident.

Pinaiiwas muna ng pulisya na puntahan ang mall habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

Ang Cielo Vista mall ay nasa tabi ng Walmart kung saan pinatay ng isang guman ang 23 katao noong August 3, 2019.

Ilang linggo na ang nakalipas, ang suspek ay umaming guilty sa federal hate crimes sa pamamagitan ng plea deal na nagligtas sa kanya sa federal death sentence.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *