Isa patay, isa sugatan sa pamamaril ng riding in tandem sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos umano itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa Barangay Manggalang Bantilan, Sariaya, Quezon nitong Martes, Enero 17.

Kinilala ang nasawi na si Edgardo De Castro, 40-anyos na laborer habang ang sugatan naman ay pinangalanang si Gerry Escovilla, 39-anyos, pawang mga residente ng Sitio Bungkalot, Brgy Lutucan Malabag ng naturang bayan.

Ayon sa report, nakaupo umano ang mga biktima sa kanilang motorsiklo na nakaparada sa tabing kalsada habang may hinihintay umanong tao nang bigla na lamag umanong dumating ang mga suspek na lulan rin ng motorsiklo at walang anu-ano’y pinagbabaril ang mga biktima.

Dead on the spot si De Castro habang isinugod naman sa hospital si Escovilla matapos magtamo ang mga ito ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng awtoridad upang mtukoy ang mga suspek at ang motibo ng mga ito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *