Isa patay, isa sugatan sa pamamaril sa Masbate

SORSOGON CITY – Isa ang patay, isa ang sugatan sa nangyaring pamamaril, gabi noong Lunes sa Brgy Concepcion, Aroroy, Masbate.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng imbestigador ng nasabing kaso, dead on the spot ang biktimang si Jerson Cos Cinco, 32-anyos, binata, gold panner habang sugatan ang isa pang gold panner na si Osias Cioco Laos, 26-anyos, may asawa kapwa residente ng nasabing barangay.

Base sa ulat, nakatayo lang umano ang biktima sa labas ng isang sari-sari store nang biglang dumating ang riding-in trio at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima. Nagtamo ito ng multiple gunshot wounds sa ibat-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Sugatan naman si Laos matapos na tamaan ng ligaw na bala habang naka-upo lamang sa labas ng tindahan.

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakilanlan sa mga susek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *