Isa patay, isa sugatan sa pananambang sa Masbate

‘Dead on the spot’ ang isang biktima habang ang isa pa ay sugatan matapos ang pananambang sa mga ito sa Brgy Nabongsoran, Aroroy, Masbate.

Kinilala ang nasawi na si Noli Yamson, binata at naninirahan sa Sitio Matungao, Cabangcalan ng nasabing bayan habang ang sugata ay nakilalang si Mark Bryan Garcia Francisco, 30-anyos, residente ng Purok 6, Brgy Ibingay, Masbate City.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News mula sa Aroroy MPS, ang mga biktima ay lulan ng motorsiklo nang pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ng riding-in-tandem na naghihintay na sa kanila.

Agad na nasawi si Yamson habang naisugod sa pinakamalapit na ospital si Francisco.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Pulisya sa motibo at pagkakilanlan sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *