Isa patay, tatlo ang sugatan sa nangyaring Vehicular Accident

Paril, Kalamansig. DEAD ON ARRIVAL nang isugod sa Castillon-Gaurana General Hospital ang biktimang si Leonesa Pintor at tatlo naman niyang kasama ang maswerteng nakaligtas sa nangyaring Vehicular Accident pasado alas 10:00 ng umaga Hulyo 21, 2021 sa bahagi ng National Highway Sitio Babancao, Barangay Paril, Kalamansig Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Major Randy Eliarda hepe ng Kalamansig MPS habang binabaybay sakay sa Totoya Revo sa pakurba-kurbang daan ng nang biglang nawalan ng kontrol dahil sa problema sa break at bumulusok mga ito sa nasabing lugar.

Kinilala ang mga nakaligtas na nagtamo ng minor injuries na sina Nemesio Pintor driver isang empleyado ng NAPACOR anak nitong si Steven Karl Pintor, Kristine Lou Quiring at ang nasawing si Leonesa Pintor parehong nasa hustong gulang at kapwa residente ng Poblacion 1, Lebak Sultan Kudarat.Muling nagpapaalala ang otoridad na ugaliing sundin ang BLOWBAGETS sa tuwing may biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.