Isa sa 6 na miyembro ng ‘Budol-budol’ gang na wanted sa Bukidnon,  hinainan ng warrant of arrest sa kanyang selda

Hinainan ng kanyang warrant of arrest ang 35-anyos na miyembro ng ‘budol-budol’ gang sa loob ng kanyang detention cell sa Sorsogon City Police Station sa kinakaharap pa nitong kaso sa Malaybalay, Bukidnon.

Kinilala ang akusado na si Bianca Rio De Guzman alias Jenny Dizon Torres, dalaga, tindera ng isda at naninirahan sa Brgy Tugatog, Malabon City.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 o ang  ilegal na pag-access, mayroon man o walang awtoridad, anumang aplikasyon, online banking account, credit card account, ATM account, debit card account, sa isang mapanlinlang na paraan, hindi alintana kung ito ay magreresulta o hindi sa pagkawala ng pera sa may-ari ng account.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC 10th Judicial Region Br 46, Malaybalay City, Bukidnon na may petsang Setyembre 7, 2022 at may inirekomendang piyansa na P60K.

Matatandaan na ang grupo ni Torres ay nahuli noong isang linggo matapos na pagnakawan ng dalawang cellphone ang isang negosyante na Chinese national sa lungsod ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *