Isa sa 9 na akusado sa pagpasabog at pagpatay sa FEU Football player at pinsan nito sa Masbate, arestado

SORSOGON CITY – Naaresto sa Brgy Cabungahan, Cawayan, Masbate  ang isa sa akusado sa pagpasabog at pagpaslang sa FEU football player at pinsan nito noong Hunyo 6 sa Brgy Anas sa lungsod ng Masbate.

Namataan sa nasabing lugar, umaga noong Hunyo 22, si Mariel Caṅete Suson, 22-anyos. Ito umano ay anak ni Rogelio Suson alias ‘Manong/Julio, secretary ng Kilusang Larangan Gerilya 2, Komiteng Probninsyal 4 ng Bicol Regl Party Committee (BRPC).

Una nang napaulat sa Brigada News FM-Sorsogon na pinangalanan na ang ilang kasapi ng rebeldeng grupong NPA na imbuwelto sa pagpapasabog ng bomba at pagpatay sa magpinsan na sina Kieth, 21-anyos at Noven Absalon, 38-anyos. Matapos ang ilang serye ng case briefing sa nasabing insidente ay kinasuhan na ng murder ang 8 iba pa na kapwa mga nasa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson.

Kinabibilangan ito nina Esaac Cos alias Timbong, Lawrence Managco Guod, Ronnie Verano alias Alex, Oliver Lignes alias Bitong, Gilbert Ginoguin Caṅete, Aileen Sabares alias Cris, Carilo Mujeres alias Pit at Richard Laurio.

Ang warrant of arrest ay ibinaba noong Hunyo 18 ng RTC Br 45 na walang kaukulang piyansa.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm-Sorsogon, aabot sa 29 ang imbuwelto sa pagpapasabog sa Brgy Anas ng nasabing lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *