LEGAZPI CITY – Nagsalita ang isa sa mga naging biktima ng dalawang kilalang mag-asawang scammer na naaresto kamakailan sa Legazpi City, Albay.
Kinilala ang mag-asawa na sina Carol Rosauro Cristobal at Ronald Anthony Rosauro Ballerda, parehong residente ng Purok 2, Rawis, Legazpi City.
Kwento ni alyas “Minda” sa Brigada News FM Legazpi, taong 2021 umano sa kasagsagan ng pandemya nang maisipan niyang magtayo ng sariling restaurant, at dahil sa kakulangang pinansyal, pinakilala sa kanya ng isang kaibigan mag-asawa na diumano’y nagpapa-invest ng pera.
Hindi rin naman umano siya nagduda dahil maraming mga dukomentong ipinakita sa kanya ang mga suspek.
Subalit, lumipas umano ang mga araw na wala siyang nakukuhang pera mula sa mag-asawa.
Ayon sa kanya, umabot sa mahigit PHP600,000 na halaga ng pera ang natangay sakanya ng mga suspek.
Bukod pa rito, upang mas lehitimo aniya, sinasabi ng mag-asawa na sila ay kamag-anak pa ng kilalang pulitiko sa lunsod.
Sinabi pa ng biktima, malaking problemang ang dinulot nito sa kanya at sa kanyang pamilya na halos hindi na umano sya makatulog sa kakaisip.
Samantala, marami pa umano ang naging biktima ng mga suspek, at katunayan ayon sa CIDG Albay, umaabot na sa milyun-milyong halaga ang natangay ng mag-asawa mula sa iba’t ibang mga biktima.
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…