Isa sa suspek sa Degamo slay case, naghain ng petition for habeas corpus sa korte

Naghain ng petisyon sa korte sa Maynila ang kampo ng isa sa suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Batay sa tatlong pahinang petition for habeas corpus na inihain ni Atty. Danny Villanueva hiniling ng petitioner na si Osmundo Rivero sa Manila RTC Office of the Clerk of Court na atasan sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at NBI Dircetor Medardo De Lemos na dalhin at ipakita sa hukuman ang kanyang asawa at dalawang anak.

Ang mag-iina ni Rivero, sa pagkakaalam aniya ni Atty Villanueva  ay nasa kostodiya ng DOJ.

Umaasa ang kampo ni Rivero na sa loob ng 48 oras ay makakapag isyu ng writ of habeas corpus ang korte.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *